Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philracom Horse Race

Istulen Ola Bida sa Metro Turf

PINAGULONG ni Istulen Ola ang mga nakatunggali matapos nitong sakupin ang korona sa katatapos na 2022 PHILRACOM “2-Year-Old Maiden Stakes Race” na inilarga sa Metro Turf, Malvar – Tanauan City sa Batangas nitong weekend.

Lumabas na tersero puwesto ang anak nina Brigand at Close Haul na si Istulen Ola habang nasa unahan niya ang bumanderang si Alalum Falls at nasa pangalawang puwesto si Sylvia Plath.

Papalapit ng far turn ay parang posteng nilampasan ng pag-aari ni Melaine Habla na si Istulen Ola sina Alalum Falls at Sylvia Plath kaya naman magaan nitong tinawid ang meta.

Sinakyan ni John Alvin Guce, omoras si Istulen Ola ng tiyempong 1:25.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang sungkitin ang P600,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Hinamig ni Sonic Clay ang second prize na P200,000, habang tig P100,000 at P50,000 ang third at fourth placers na sina Orange Bell at Stealing Heaven ayon sa pagkakasunod.

Pumang-lima si Bandido na nagbulsa ng P30,000 habang P50,000 ang inuwi ng breeder ng winning horse na si Arturo Sordan, Jr. (MB)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …