Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herbert Bautista Ruffa Gutierrez

Ruffa iwas mapag-usapan lovelife at si Bistek

MA at PA
ni Rommel Placente

SA naganap na contract signing ni Ruffa Gutierrez sa Viva Artist Agency (VAA), tinanong siya kung kamusta ang kanyang lovelife. Balita nga kasi na may namumuo nang relasyon sa kanila ni Herbert Bautista.

Sabi ni Ruffa, “My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang ‘yan.

“Ang love life naman, when you’re at this age, kailangan makinig sa mga bagay-bagay na mas mahalaga para sa atin, like our family, our career.

“We should be with a man that understands all that and can take the backseat when he has to, who support you when you need the support.

“Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career.

“Understood na lahat ‘yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa ‘yo.

“Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life.”

Ayon pa kay Ruffa, ang love life ay hindi naman kailangang i-broadcast.

“A love life should just add spice to your life. It shouldn’t be the major priority.”

Base sa sinabi ni Ruffa, parang ayaw niyang napag-uusapan ang kanyang lovelife, ‘di ba? Baka this time, ang gusto niya ay magkaroon siya ng privacy sa usaping pag-ibig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …