Sunday , December 22 2024
Coco Martin FPJ’s ANG PROBINSYANO

FPJ’S Ang Probinsyano finale winasak ang Youtube record, trending pa 

TINUTUKAN at pinag-usapan ng sambayanang Filipino ang pambansang pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyanona nakapagtala ng  all-time high record na 536,543 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Agosto 12.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga manonood sa pamamaalam ng minahal nilang karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay. Kaya naman dinomina ng finale episode ang trending topics sa Twitter kabilang na rito ang #FPJAP7MissionAccomplished, #FPJsAngProbinsyano, Coco Martin, Susan Roces, Cardo, Julia Montes, Lola Flora, Onyok, John Arcilla, Angel Aquino, Agila, at Hipolito.

Makapigil-hininga ang halos dalawang oras na finale episode na isinakripisyo ng Task Force Agila ang kanilang buhay para wakasan na ang kasakiman nina Renato (John Arcilla) at Lucio (Raymond Bagatsing). Si Cardo lamang ang nanatiling buhay, kasama si Presidente Oscar (Rowell Santiago), kaya naman pinarangalan si Cardo para sa kanyang katapangan. 

Naging madamdamin din ang mga eksena dahil sa pagbibigay-pugay kay Susan Roces, na gumanap bilang Lola Flora. Nagbalik-probinsiya naman si Cardo upang makapiling ang kanyang pamilya. Nakakikilig din ang pagtatapos dahil nagpakasal na sina Oscar at Aurora (Sharon Cuneta), at muling nagtagpo sina Cardo at ang kanyang “huling pag-ibig” na si Mara (Julia Montes).

Pinasalamatan ni Coco ang buong FPJAP team at ang kanilang mga tagasuporta sa pagtutok nila sa serye sa loob ng halos pitong taon. 

“Gusto kong magpasalamat kay tita Susan kasi sa kanya po nagsimula ang lahat ng ito dahil pinayagan niya kaming gawin ‘yung proyekto. Salamat po kay FPJ kasi siya po ang naging inspirasyon naming lahat,” sabi ni Coco sa thanksgiving celebration kasama ang kanyang co-stars sa ASAP Natin ‘To noong Linggo (Agosto 14).

Dagdag pa niya, “Ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ alam namin na may purpose kami na kahit paano, kahit sa sandaling oras ay mapaligaya namin ang mga manonood at mabigyan ng pag-asa. Ginagawa po namin ito para sa lahat ng Filipino, kaya maraming, maraming salamat sa pitong taon na pagsama niyo.”

Samantala, pinag-usapan sa social media ang pagtutok ng mga Filipino sa finale sa iba’t ibang parte ng bansa. Sa Tubod, Lanao del Norte, daan-daang katao ang dumalo sa live viewing party na inorganisa ng local government. May sariling viewing party din sa Mindoro, at nagtipon-tipon din ang ilang mga tricycle driver sa Bulacan. 

Nag-viral din ang Facebook post ni Jan Gutierrez matapos niyang bigyan ng ‘certificate of completion’ ang kanyang ama sa pagtutok nito sa lahat ng episodes ng serye. Bukod dito, trending ulit ang die-hard fan na si Lola Teresita dahil masaya siya sa naging ending ng serye. 

Para pasalamatan ang lahat ng kanilang tagasuporta, sinimulan na ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano  ang kanilang Pasasalamat Tournoong Agosto 14 sa Vista Mall Taguig, na dinagsa ito ng libo-libong tao. Bibisita rin sila sa Bulacan (Agosto 19), Cebu (Agosto 20), at Iloilo (Agosto 21), pati na rin sa Amerika sa Setyembre. 

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …