MATABIL
ni John Fontanilla
NAGING matagumpay ang launching ng AQ Prime streamingapp na maghahatid ng magaganda, de kalidad, at makabuluhang pelikula.
Ayon kay Atty. Honey Quino, isa sa mga executive ng AQ Prime katuwang si Atty. Aldwin Alegre, hindi papatayin ng mga online streaming platforms ang mga sinehan dahil dagdag lang ito sa pagpapasigla ng pelikulang Filipino at pagbibigay trabaho sa ating mga kababayan.
Ipinakilala rin sa paglulunsad ang actor, producer, at negosyanteng si RS Francisco bilang Creative head ng AQ Prime na nagpahayag na napakarami pa ang dapat aabangan sa AQ Prime streaming app.
Ang bagong mga pelikulang mapapanood sa AQ Prime streaming app ay ang Adonis X ni Alejandro “Bong” Ramos na pinagbibidahan nina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Mark McMahon, Grace Vargas, Jaycee Domincel, at Mia Aquino; Bingwit ni Neil “Buboy” Tan na bida sina Krista Miller, Drei Arias, Conan King, Rob Sy, at Boogie Canare; Huling Lamay ni Joven Tan na bida sina Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso, Mira Aquino, Waki Cacho, at Aldwin Alegre; at La Traidora nina Brylle Mondejar, Joni McNab, OJ Arci, Ricardo Cepeda, Mia Aquino, Juan Calma, at Aldwin Alegre.
Ayon sa AQ Prime gusto nilang makipag-collaborate kay Willie Revillame para sa AMBS 2 Network ni Manny Villar na magsisimula na ang operasyon sa Oktubre.
Maaari nang i-download sa Google Play at App Store ang AQ Prime app.