MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga photo ng bonding ng kanyang asawang si Art Atayde at ng Eat Bulaga host /actress at fiance ng anak niyang si Arjo, si Maine Mendoza.
Ayon kay Sylvia, “Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isat isa hahaha.
“Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. Walang humpay na tawanan, sarap nilang panoorin, tatawa ka nalang ng tatawa #positivevibes kumbaga.
“Love you both @xaviiart @mainedcm.”
Kitang-kita sa mga ngiti ni Maine na masayang-masaya siya kasama ang pamilya ng kanyang future husband na si QC District 1 Cong. Arjo ganoon din ang pamilya Atayde na tanggap na tanggap at love na love si Maine.