ni Ed de Leon
KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years old na naman, at sinabi sa kanyang bibigyan siya ng ka-date, at “kikita pa siya.” Pumayag ang bagets, nagpunta siya sa lugar na sinabi sa kanya. Pero laking gulat ng bagets nang ang dadatnan pala niya roon ay isang artistang babae, na may edad na rin. Iyang artistang babaeng iyan ay matagal nang natsitsismis na mahilig sa mga lalaking bagets, kaya nga raw nag-away sila ng anak niya dahil sa pagte-take home niya ng bagets.
Nandoon na, pumayag na ang bagets. Mabait naman daw, pinakain pa siya, at totoong binayaran pa siya. Pero hindi akalain ng bagets ang nangyari sa kanya at sa beteranang female star na iyon, na halos nanay na niya.