HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na namatay sa edad na 59 dahil sa cancer. Hindi pa natatapos ang pagluluksa ng publiko kay Cherie, namatay naman ang
kampeon sa track and field na si Lydia de Vega Mercado sa edad na 57 dahil din sa cancer.
Talagang napakatindi niyang cancer hanggang ngayon. Basta tinamaan ka niyan magbilang ka na ng araw. Sa totoo lang wala pa kaming nabalitang nagkaroon ng cancer na gumaling sa kabila ng lahat ng mga modernong kaalaman sa ngayon.
Yumao rin naman si dating presidente Fidel Ramos, pero iyon siguro masasabing dapat na rin namang magpahinga. Marami na siyang nagawa, at sa edad na 94, bonus na ng buhay iyon. Ang ikinamatay naman niya ay komplikasyon sa Covid. Kung minsan magtataka ka, iyong mga taong ingat na ingat iyon pa ang tinatamaan ng Covid. Tingnan ninyo si Presidente BBM, naka- take two na. Pero iyong mga taong grasa sa kalyeBna marumi, walang hugas kamay, walang sustansiya ang kinakain, at ewan kung binakunahan ba wala tayong nababalitang tinamaan ng Covid.
Itong linggong ito puro mga namamatay ang laman ng mga balita, ganoon din sa abroad, pumanaw ang sikat na singer na si
Olivia Newton John sa edad na 73 at ipinagluluksa naman siya ngayon ng Hollywood.
Sa panahong ito, walang makapagsasabi talaga kung ano ang susunod na mangyayari. Talagang kailangan na lang magdasal tayo nang taimtim, at bahala na ang Diyos sa atin.