Monday , December 23 2024
Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PA
ni Rommel Placente

BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, huh! Siya ang opisyal na itinalaga ni President Bongbong Marcos Jr. bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng Department of Migrant Workers.

Natutuwa ang maraming OFW (Overseas Filipino workers) dahil nasaksihan nila nang personal ang pagmamalasakit sa kanila ng mahusay na TV host at komedyante.

Sobrang nagpapasalamat si Arnell sa posisyong ibinigay sa kanya ni PBBM at sa mga nagtitiwala sa kakayahan niya at bumabati sa kanya. Pero aniya, hindi madali ang mga responsibilidad ng isang OWWA administrator kaya hinihingi niya ang suporta ng lahat.

Pero kahit may posisyon sa administrasyon ni PBBM, hindi pa rin tatalikuran ni Arnell ang showbiz. Ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aartista basta may libreng panahon siya. Malaki kasi ang kanyang utang na loob sa showbiz.

For the record, si former President Rodrigo Duterte ang unang nagbigay kay Arnell ng posisyon sa gobyerno bilang Deputy Executive Director ng OWWA noong 2018.

About Rommel Placente

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …