Monday , December 23 2024
Clark Samartino

Clark Samartino handang harapin ang intriga sa showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang kauna-unahang alaga ng  businesswoman na si Mommy Merly Peregrino na si Clark Samartino na bida sa pelikulang  Nang Sumikat ang Araw sa Gabing Madilim na mula sa direksiyon ni Ryan Favis at prodyus ni Mommy Merly.

Bukod sa guwapo, mahusay umarte si Clark na handang-handa na sa mga intrigang kakaharapin dahil na rin sa desidido siyang sumikat at nakilala sa showbiz.

Kuwento ni Clark, minsan na siyang naintriga nang ma-link siya at magka-issue sa isang sexy actress, kaya naman kung nalagpasan niya ang nasabing intriga mas matapang na siya ngayon para harapin ang mas malalaking pagsubok na puwedeng dumating sa kanya.

Thankful si Clark dahil nakilala niya si Mommy Merly, ang tumatayong manager niya dahil ipinagkatiwala sa kanya ang magbida sa pelikula. Sana nga ay masundan pa ito ng mas maraming projects ngayong taon.

Ang pelikula ni Clark ay kasama sa 7th Inding-Indie Festival na gaganapin sa Gateway Cineplex Cinema sa Aug. 22 at sa SM Bacoor sa Sept. 26 at sa Metropolitan Theater Manila sa Aug. 30.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …