ni Ed de Leon
PUMAYAG na maghubad ang isang young male star nang isama siya sa pelikula, ganoong hindi naman pala isasama sa pelikula ang eksenang pinaghubad siya. Kasama raw kasi iyon sa part 2, na ibig sabihin maghuhubad pa siya ulit. Handa naman daw siyang gawin iyon kung para sa pelikula talaga.
Panay hubad na rin ang kanyang mga pictorial na lumalabas lang naman sa social media. Hindi naman siya mailabas sa mga lehitimong media dahil wala naman siyang projects talaga. Ewan kung ano nga ba ang mangyayari sa batang iyan kung wala na nga siyang magagawa pa kundi maghubad na lang.