Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Elijah Alejo

Elijah Alejo handa na sa matured roles

MATABIL
ni John Fontanilla

HANDANG-HANDA nang sumabak sa mga matured role ang dating child star na si Elijah Alejo via Kapusoserye, Underage.

Kuwento ni Elijah  excited na siyang mag-taping ng Underage. “Tito John sobrang happy ako kasi ito ‘yung masasabi kong big break ko simula nang mag-artista ako, kasi this time bida na ako sa next project ko.

“Nakalulungkoy lang kasi ‘di na nakita ni Tita Jenny (namayapang manager nito), pero alam kong masaya siya sa itinatakbo ng career ko ngayon kasi ‘yun naman ang gusto niya.

“Nabasa ko na po ‘yung script inabot nga po ako ng mading araw sa pagbabasa hahaha, pero sobrang ganda po niya at excited na akong mag-taping,” masayang sabi ni Elijah.

Ginagampanan ni Elijah ang role ni Snooky  sa original Underage movie ng Regal Films  na pinagbidahan din noon nina Dina Bonnevie at Maricel Soriano.

Makakasama ni Elijah sa Underage sina Lexi Gonzales, Hailey Mendez, Sunshine Cruz, Snooky Serna, Christian Vasquez, Jome Silayan, TJ Trinidad, Yayo Aguila, Jean Saburit, Gil Cuerva, at Vince Crisostomo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …