I-FLEX
ni Jun Nardo
KUMITA ng P21-M ang pelikulang Maid In Malacanang sa unag araw ng showing nito last August 3. Ayon ito sa ipinlabas na tweet ng Viva Films.
Palabas ang kontrobersiyal na pelikula sa mahigit 200 cinemas nationwide. Magdadagdag pa raw ang Viva ng sinehan.
Habang showing ang movie, patuloy ang bakbakan ng mga pro at anti sa movie. Lalo itong umiingay kaya dumarami tuloy ang nagiging curious na panoorin kung ano ba ang mayroon sa Darryl Yap movie.
Kung magpapatuloy ang lakas nito sa takilya, malamang na umabot sa P100-M ang kikitain nito sa isang linggo.
Wish nga lang ng taga-local movie industry, maging daan ang MIM upang pasukin na ng moviegoers ang mga sinehan sa tuwing may local movie na palabas, huh!