ni Ed de Leon
NATATAWA kami habang nagkukuwento ang isang male newcomer. Hindi rin naman kasi siya nagkaroon ng disenteng pelikula. Nakuha siya sa serye pero para cameo role lang ang nangyari. Iyong mga endorsement naman niya, sarili niyang kayod at sa internet lang. Wala ang ipinangako sa kanyang mga tv at print commercials.
Busy nga siya sa halos araw-araw na photo shoot ng iba’t ibang photographers, pero sa pictorial naman ay lagi lang siyang nakahubad. Ang natatanggap niyang offers ay hindi mula sa mga producer, kundi mula lang sa mga bading na gusto siyang maka-date.
Eh pumasok ba naman siya sa hindi niya pinag-iisipan eh ‘di ganoon nga.