I-FLEX
ni Jun Nardo
PICTURE at video na hinihipan ang cake ng anak na si Alas ang naka-post sa Instagram ni Kylie Padilla.
Walang ibang taong ipinakita si Kylie sa selebrasyon ng kaarawan ng anak.
Kasalukuyang nasa Switzerland pa ang Kapuso actress para sa shooting ng movie nila ni Gerald Anderson. Wala rin kahit anino ng father niyang si Aljur Abrenica.
Samantala, ilang linggo na lang at matatapos na ang Kapuso primetime series ni Kylie na Bolera. Abangers ang manonood kung kaninong kandungan mapupunta si Kylie—kay Jak Roberto ba o kay Rayver Cruz?
Basta si Kylie, siguradong kalmado na ang puso lalo na’t maayos din ang takbo ng kanyang career, huh!