Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Cristy Fermin Romel Chika Morly Alinio

Kris balik-Singapore sa pagpapagamot

MA at PA
ni Rommel Placente

MULA sa Houston, Texas USA, ay lilipad papuntang Singapore si Kris Aquino para roon ituloy ang pagpapagamot.

Ito ang kuwento nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika, at Morly Alinio sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na, na in-upload noong Linggo.

Sabi ni Tita Cristy, “Mayroon na namang bagong nagpadala sa atin ng impormante o impormasyon.” 

Bago itinuloy ni Tita Cristy ang kanyang sasabihin, ay biglang sumingit si Morly. Sabi niya, gusto nilang pasalamatan ang mga taong nagtitiwala sa kanila dahil sa kanila ibinibigay ang mga impormasyon na para lang sa Showbiz Now Na.

Dagdag ni Tita Cristy, “‘Yung effort po na ipinadadala ninyo sa amin, ‘yung pagtitiwala na ibinibigay ninyo sa amin sobra pa po sa sapat ‘yun, maraming salamat po, mga kababayan natin.”

So, ang source pala nina Tita Cristy ay ‘yung  mga kapwa-Filipino natin na nasa America.

Hirit din ni Romel, lahat ng nakararating sa kanilang impormasyon ay ibinabahagi rin nila sa kanilang subscribers para alam din ng mga ito.

“Si Kris Aquino raw po noong dumating sa Houston ay diretso raw po sa Baylor St. Lukes Medical Hospital (Houston, Texas).

“At ‘yung inilabas daw po naming address doon sa botelya nga ng gamot para sa COVID ni Josh, totoo po ‘yun. Napakalalaki raw po ng mga mansyon sa hilera na ‘yun. Kung baka rito, millionaires row.”

Pero ate Cristy ‘yung nagkuwento niyan, iba rin sa nagkuwento sa akin kasi ang dami po talagang nagpapahatid na sources, iba-iba po ‘yung mga ikinukuwento nila. Imagine ate Cristy may panahon sila para sa atin,” singit ulit ni Morly.

Pagpapatuloy pa ni Tita Cristy, nagkalat daw talaga ang ‘Marites’ sa buong mundo at sa kanilang online show lang daw ipinadadala. 

“At ito nga lilipat na raw po ng Singapore sa kanyang pagpapagamot si Kris Aquino, ‘yun ang pinakabago,” ani pa ni Tita Cristy.

Dalangin namin na gumaling na si Kris. Kaya sana ay ipagdasal natin siya. Sabi nga kapag maraming nagdarasal sa isang tao, ay gagaling siya, ‘di ba?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …