Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang K Brosas car accident

K Brosas at Pokwang naaksidente

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAAKSIDENTE noong Martes sina K Brosas at Pokwang kasama ang kanilang handler na si Daryl Zamorahabang papunta sa sponsored lunch ng  isang sponsor ng show nila sa Dallas, Texas. 

Sa picture na ipinost ni K sa kanyang social media account, ipinakita nito ang isang parte ng SUV na sinasakyan nila ang tinamaan ng nakabanggang sasakyan. Sa side na iyon nakaupo si K. Kaya medyo nasaktan siya pero hindi naman daw grabe. Parang gasgas lang. 

Sa Amerika, truck kung tawagin ng iba ang mga SUV. 

Ikinaloka ni K ang nangyaring aksidente. Pero good thing, hindi sila masyadong naapektuhan. At in fairness mabilis na dumating ang mga pulis, ambulansiya, at bumbero. SOP kasi ‘yun sa Amerika kapag tumawag ka sa 911. Kaya naman sabay-sabay dumarating ang pulis, ambulansiya, at bumbero.

Nangyari ang aksidente bago nila lisanin ang Dallas, Texas at sa New York naman ang susunod nilang show sa Aug 13. After that ay dalawang show sa  Tampa at Pensacola sa Florida ang susunod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …