Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
7th Inding-Indie Film Festival

Inding-Indie Film Festival inilunsad

MATABIL
ni John Fontanilla

INILUNSAD ang 7th Inding-Indie Film Festival(special edition) noong July 31, 2022 na ipinakilala ang mga baguhang artista sa ilalim ng talent manager at direktor na si Ryan Manuel Favis

Kabilang sa mga artist na ito ay sina MJ Cardenas, Gian Maamo, Rex Gwangcha, Krysia Barela, Renzie Liboon, Kyle Maamo, Romenissa Pardilla, Kim EJ Maamo,  Antonette Leviste, Michael Justine, Azaleia Viernes, Ron Medina, Jan Austin Guia, Jan Albert  Albert Gui, Paula Ronquillo Macels, Fitzerald Friginal Kalumbayan, Ysabella Orandain, Charice Anne Toradio, Jazhmine Escabusa, Criselle Alona Montanes, Benjamin Jacobos Gooijer, Princess Balbin, at Clark Samartino.

Tampok din sa mga sumusuportang celebrity ang veteran actor na sina Pilar Pilapil, Lou Veloso, Archie Adamos, Jiro Manio na nakasama at naidirehe nina Favis at Ron Sapinoso, founder ng pelikulang Moonlight Flowers, at Keanna Reeves sa pelikulang Elijah na pinagbidahan ni Rex Gwangcha.

Ang mga istorya na nakapaloob sa bawat pelikula ay may temang Biblical, buhay ng tao, pilosopikal, kultura, at sining. Sumasalamin sa kasaysayan ng bayan at importanteng kaganapan sa lipunan. Ginawa ni Direk Favis ang proyektong ito para matulungan ang mga aspiring artist na walang kapasidad na lumabas sa mainstream media. Ito ang kanilang stepping stone para maging maayos ang kanilang pagtahak sa karerang pangarap nila.

Ipalalabas ito sa Gateway Cineplex Cinema sa August 22, 2022, SM Cinema Bacoor  sa September 26, 2022, at Metropolitan Theater sa Maynila sa August 30, 2022.

Magkakaroon din ng mall tour ang mga artista sa SM Robinson, Araneta Farmers Plaza, at Isettan Recto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …