HATAWAN
ni Ed de Leon
NAKAPUNTA si Nora Aunor sa isang awards night, at hindi na siya naka-wheel chair, ibig sabihin malakas na ang katawan niya ngayon bagama’t ang kanyang hitsura ay hindi mo pa masasabing fully recovered.
Mukhang bloated si Nora. Medyo sobra na ang kanyang taba na maaaring dulot ng mga medesina na naipainom sa kanya noong may sakit siya. Kailangan pa niyang magpagaling nang totohanan bago siya gumawa ng pelikula, at makita rin kung may epekto ba sa kanyang career ang pagiging National Artist.
Kung National Artist ka nga, hindi naman kumikita ang pelikula mo, ano silbi niyon?