Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas Gold Aseron Scorpio Nights 3

Christine, Mark Anthony, Gold nag-frontal sa Scorpio Nights 3

MATABIL
ni John Fontanilla

PINURI ng mga nakapanood ng advance screening ang pelikulang Scorpio Nights 3  ng Viva na pinagbibidahan ni Christine Bermas. Mahusay kasi ang pagkakaganap nito sa pelikula.

Bukod sa husay nitong umarte, wala rin itong takot at game na game sa mga mapupusok na eksena. Wala rin itong kiyeme sa pagpapakita ng kanyang maseselang parte ng katawan.

At sa lahat nga ng ipinalabas na version ng iconic at classic movie na Scorpio Nights,   ang version ni Christine ang pinaka-bongga at pinaka-maraming sex scenes. Ang unang version ng Scorpio Nights ay pinagbidahan ni Ana Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Daniel Fernando.

Bukod kay Christine, mahusay din ang pagkakaganap ni Mark Anthony Fernandez at ni Gold Aseron na parehong game na game sa sex scenes.

Kung ilang beses nagpakita ng kahubdan si Christine, hindi naman nagpatalo sina Mark Anthony at Gold na parehong nag-frontal na tiyak aabangan ng mga kabadingan na manonood ng movie.

Kaya naman nakatitiyak na ‘di mabibitin at talaga namang mag-eenjoy ang mga kalalakihan at mga kabaklaan kapag napanood ang Scorpio Nights 3 dahil sa napakaraming sex scenes nina Christine, Mark Anthony, at Gold.

Ang Scorpio Night 3 ay mula sa panulat ni Roy Iglesias at idinirehe ni Lawrence Fajardo. Napapanood na ito ngayon sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …