MATABIL
ni John Fontanilla
TULOY-TULOY ang pagbibigay ng saya ng award winning children show sa bansa, ang Talents Academy na napapanood sa IBC 13 tuwing Linggo, 3:00 p.m. na ngayon ay nasa ika-9 nang season.
Ilan sa award na natanggap nito ang: Anak TV Seal Awardee from KBP, 2 times PMPC Best Children Show and Best Children Show/Hosts, Best Educational Program atbp..
Halos lahat ng talents ng Talents Academy ay mga TVC & Print Ad Models, Brand Ambassadors, Ramp Models, TV & Movie Actors.
Ang main cast ng Talents Academy ay sina Aykha Martinez, Candice Ayesha, Gracelle Joace Jimenez, Luisa Mae Macamay, Madisen Go, Rhyleigh Gimeno, at Zaffire Lacanilao.
Samantalang ang semi-cast ay binubuo naman nina Akeisha Lois Lane Lee, Amethyst Garcia, Ashley Manansala, Brielle Caimbon, Cai Vaile Gancena, Cyrene Alva Salonga, Hailey Louise Henson, Jhajha Traquina, Karl Vincent Ariola, Lucas Inigo Palileo, Maya Aguot, Princess Jilliane Elleazar, Sam Ciervo, atSigurd Cross Urbano.
Bukod sa Talents Academy, makakasama din ang mga ito sa tatlong pelikula (Manloob, Kalakal at Pami ) na ididirehe ng Talents Academy director na si Jun Miguel katuwang sina Jhustine Miguel (Assistant Director), at Arkin Brunio (Mastet editor).