Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mar Soriano Mommy Dora Can This Be Love

Mommy Dora bida na sa BL series na Can This Be Love

MATABIL
ni John Fontanilla

BONGGA ang host at comedian na si Mar Soriano aka Mommy Dora dahil mayroon na siyang sariling BL series, ang Can This Be Love na hatid ng Bright A3 Entertainment at isinulat ni Arn Palencia.

Ayon nga kay Mar, sobra-sobra ang pasasalamat niya sa kanilang producer sa pagkakataong ibinigay sa kanya para mag bida.

Sobrang nagpapasalamat po ako sa Bright A3 Entertainment dahil ‘yung dream ko na magbida sa isang palabas ay natupad dahil sa kanila.

“Medyo kinakabahan po ako, ‘di ko kasi alam ‘yung  magiging reaksiyon ng viewers kung magugustuhan pa nila o kaya may manonood ba.

“Bale first time ko rin sa isang project na magkakaroon ng leading man, kaya feeling ko ang haba-haba ng hair ko. Pero no kidding aside sana magustuhan ng manonood ‘yung BL series namin, kasi maganda at maraming makte-relate.

Makakasama ni Mar sa Can This Be Love sina Joel Guevara, JC Santiago, Ivern Cervantes, Cyril Ang, Anthony Martin, at Grey Ramos. Idinirehe ito ni Grey Ramos at hatid ng Bright A3 Entertainment nina Allen Lino at  Arn Palencia, written by Arn Palencia at mapapanood sa Youtube Channel ng Bright A3 Entertainment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …