Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristy Fermin AJ Raval Aljur Abrenica

Cristy Fermin ‘di apektado sa pagde-deny ni AJ

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING itinanggi ni AJ Raval ang iniulat ni Cristy Fermin sa programang Cristy Ferminute na buntis siya courtesy ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Inirerespeto naman ni Fermjn ang ginawang pagtanggi ni AJ.

Tsika ni Cristy, “Hindi po kami apektado, nang mag-deny po si AJ Raval tungkol sa ibinalita namin sa sitwasyon niya ngayon.

“Hindi po kami galit sa kanya, natural lamang po na binibigyan namin ng pagkakataon ang mga artista na tanggapin o i-deny ang anumang balita na kumakalat tungkol sa kanila.”

Dagdag pa nito, “Hindi tayo ang dapat niyang kausapin, ang ating source na may malaking-malaking bahagi sa karera niya ngayon, kayong dalawa ang mag-usap.

“Bahala na po si AJ Raval kung ano ang magiging desisyon niya, basta po, kami ay hindi apektado.

“Ito pong aming source eh talaga namang sa buong karera ko po bilang manunulat, hindi po niya ako sinubukan ng kuwento na katanong-tanong o pagdududahan.”

Kaya naman samo’tsaring reaksiyon ang natanggap ng pagde-deny na ginawa ni AJ sa kung sino nga ba ang nagsasabi ng totoo, si Cristy Fermin ba o ang sikat na sexy star?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …