SANDAMAKMAK na likes, comments, at fire emojis ang naging paghuhubad ni Nadine Lustre sa social media. Ang nude photos ni Nadine ay kuha ng Siargao-based photographer na si Wang Borja na siya ring nag-post sa socmed.
Ang mga picture ni Nadine na ipinakita ni Wang ay ang hubad nitong katawan habang nagpo-floating na takip-takip ang dibdib at ang black and white photo na halos kita na ang hubo’t hubad na katawan ni Nadine.
Ani Wang sa kanyang caption, “Let life unfold itself.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakuha ng nude si Nadine dahil nagawa na rin niya ito sa isang photoshoot para sa album niyang Wildest Dreams na kinunan din sa isang beach noong 2020.
Hinangaan ng netizens si Nadine sa tapang nito sa pagpapakuha habang nakahubad.
Marami rin ang pumuri kay Wang sa ganda ng mga kuha sa aktres.