I-FLEX
ni Jun Nardo
KAPWA pasok sa Next Call ng Bida The Next segment ng Eat Bulaga ang celebs na sina Denise Barbacena at singer-Maegan Aguilar na anak ni Freddie Aguilar na sumalang last Saturday.
Naging mainstay ng Bubble Gang si Denise pero isa siya sa nakasama sa revamp ng gag show.
Inilahad naman ni Maegan ang dahilan kung bakit siya sumali sa Bida The Next. Gusto niyang makitang muli ang panganay na anak na nasa Houston, Texas, kasama ang ama, na nawalay sa kanya noong dalawang taong gulang pa lamang ito.
Sa kuwento ni Maegan, huli silang nagkita ng anak noong 2015 nang sumali siya sa isang music competition sa Mephis. Pero hindi na ito naulit pa.
Naisip ni Maegan ang pagsali sa kontes ang paraan upang muling magkaroon ng komunikasyon sa nawalay na anak.
Bahagi ng pahayag pa ni Maega, “Hopefully my son gets to see this and see me now that I miss him.”
Sino kaya ang susunod na celebs para mag-audition sa Bida Next ng Eat Bulaga?