MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS ng sunod-sunod na trabaho ni Teejay Marquez, lumipad ang aktor kamakailan sa Thailand bilang regalo sa sarili pagkatapos ang sunod-sunod na trabaho mula teleserye, pelikula, at commercials.
Ani Teejay, naka-pito siyang pelikula na karamihan ay hindi pa naipalalabas, bukod pa ang mga up coming films at teleserye.
Kasamang lumipad ni Teejay sa Thailand ang kanyang mga kaibigan. Bukod sa pamamasyal, sinabay na rin ni Teejay ang pakikipag-usap sa isang major tv and movie outfit doon na matagal nang gustong kunin ang kanyang serbisyo for a possible project.
By August or September naman ay babalik ng Indonesia si Teejay para naman gawin ang mga proyektong naiwan niya roon.