Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cloe Barreto JC Santos

Cloe Barreto bigong tikman si JC Santos

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ng bida sa pelikulang Tahan  na si Cloe Barreto na nag-request siya sa kanilang writer na si Quinn Carillo na magkaroon sila ng kahit sandaling love scene ni JC Santos.

Halos lahat kasi ng nakasama nitong aktor sa Tahan ay mayroong sizzling love scene maliban kay JC, kaya naman after ng matagumpay na special screeening ng Tahan ay natanong si Cloe kung hindi ba siya nanghinayang dahil hindi niya natikman si JC sa movie.

Mabilis naman nitong sinagot na “oo nanghinayang ako at nag-request nga ako na lagyan nila ng love scene pero ‘di ako napagbigyan.”

Pero going back sa movie, napakaganda ng pagkakagawa ni Direk Bobby Bonifacio Jr., at napakahusay ng pagkakasulat ni Quinn na grabe ang twist ng story na kapupulutan ng aral.

Hindi rin matatawaran ang husay dito ni Cloe na hindi nagpakabog sa napakahusay na aktres na si Jaclyn Jose na gumanap na nanay niya at napakatapang sa pagpapakita ng maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Bukod kay Jaclyn makakasama rin ni Cloe sa  Tahan sina Quinn na mahusay din bilang kaibigan nito sa movie, AJ Oteyza, Mercedes Cabral, Karl Medina atbp. Hatid ng 3.16 Media Network ni Len Carillo at John Bryan Diamante. Mapapapanood na ang Tahan simula sa July 22 sa Vivamax Philippines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …