Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
9-ball billards 2022 World Games

PH bet Carlo Biado umusad  sa semis sa world games

MANILA–Umahon sa hukay si defending champion Filipino Carlo Biado para talunin si Austria’s Albin Ouschan, 11-7 nung  Sabado tungo sa pagpasok sa men’s 9-ball singles semifinals ng 2022 World Games sa Birmingham, Alabama, USA.

Inulan   ng pagbubunyi  si Biado mula sa  local crowd, nang nagwagi sa kalabang Austrian  bagama’t  naghabol siya mula sa 4-6 deficit sa kanilang quarterfinal match na ginanap sa Sheraton Ballroom.

Ang 38-year-old San Juan, La Union native Biado ay nakatitiyak na ng bronze medal pero nakatuon siya sa pagkopo ng kanyang ikalawang gintong medalya.

Nakamit niya  ang unang ginto  sa 2017 Wroclaw, Poland nang maghari sa men’s 9-ball singles, ang country’s first gold medal sa World Games,  isang kompetisyon  ng sports na sinasalihan ng maraming bansa,  pero hindi pa ito kasama sa Olympic program.

Ang reigning US Open champion at SEA Games gold medalist ay makakatumbukan si Joshua Filler ng Germany sa final.

Winasiwas ni Filler si world No.1 Shane Van Boening ng U.S., 11-3 sa isa pang quarterfinal match na ipinatupad ang race-to-11 alternate break format.

Sa distaff side ay nakausad din si Filipina Rubilen Amit sa quarterfinals mula sa come from behind victory kontra kay Germany’s Pia Filler, 9-8, sa Round-of-16.

– Marlon Bernardino –

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

ASEAN PARA Games

Pilipinas Umakyat sa Pinakamataas na Puwesto sa ASEAN Para Games Matapos Umani ng 35 Ginto

h1 NAKHON RATCHASIMA – Magkakasunod na itinala nina Para athletes Evenizer Celebrado, Cyril Cloyd Ongcoy …