I-FLEX
ni Jun Nardo
HUMIHINGI ng tulong-pinansiyal at dasal ang character actor na si Alex Medina para sa 71-year-old niyang tatay, ang veteran actor na si Pen Medina.
Naospital si Pen dahil sa isang spine disorder at major surgery ang kailangan nito sa July 19. Sa Instagram post ng anak nitong nakaraang mga araw, nakasaad na tatlong linggo nang hindi makaupo o makatayo ang ama dahil sa degenerative disc disease (DDD).
Ayon pa kay Alex, naubos ang savings nila dahil sa pandemic at sa madalang na trabaho.
“We humble for your charitable help and prayers for our family navigates through helping him get back on his feet literally and figuratively,” panawagan niya.
Ibinahagi rin ni Alex ang QR code at bank details para sa mga gustong tumulong.
Magaling na aktor si Pen at sa mga nakatrabaho niya noong wala pa siyang diperensiya sa katawan, tulungan ninyo siyang maoperahan.