ni Ed de Leon
NATUTULALA na lang daw ngayon ang isang male star, na ilang buwan lang ang nakararaan ay pinag-uusapan nang husto at ang akala nga ay big star na siya. Matapos niyang ibuyangyang ang kanyang private parts at magpakita ng kahalayan sa internet movies, ngayon biglang wala na lang pumapansin sa kanya.
Aba eh sino pa nga ba ang papansin eh nailabas na niya ang lahat. Nagawa na niya ang lahat. Siguro mapapansin siya kung may eksenang nakikipag-sex siya habang tumutulay sa alambre. Ganyan naman ang kinakahinatnan ng lahat ng bold stars. Hindi ka sisikat kung hindi ka magbubuyangyang. Pagkatapos mong ibuyangyang ang lahat, eh ano pa ang ipakikita mo? Kakain ka ba ng apoy? Lulunok ka ba ng espada? Kung
hindi, sorry ka. Kung kaya mo naman iyon, magtayo ka ng puwesto sa perya, mas ok pa.