Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Basheirrou Kelvin Abobo Horse Racing

Basheirrou  paborito sa 3rd Leg Triple Crown

MALAPIT nang masilayan ng racing aficionados ang pagkopo ng paboritong si Basheirrou sa 3rd Leg ng Triple Crown na ilalarga sa Hulyo 24 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Bagama’t wala pang opisyal na lineup ay nakatitiyak ang mga tagahanga ni Basheirrou na tatakbo ito sa 3rd Leg Triple Crown  dahil namumuro na ang alasang kabayo para maging bagong kampeon sa pantaunang stakes race.

Matatandaan na nakolekta na ni Basheirrou ang 1st at 2nd Leg ng Triple Crown at isa na lang ay masusungkit na niya ang kampeonato ng prestihiyosong karera.

Pag-aari ng Rancho Sta. Rosa at hinahanda ng trainer na si Ruben Tupas, kung sakaling masungkit ang ikatlong leg, siya ang magiging ika-13th na naka-sweep ng Triple Crown.

Si Basheirrou na regular na sinasakyan ni class A rider Kelvin Abobo  ay  lahi nina Brigand at Allemeuse.

Maliban sa Triple Crown ay ilalarga rin  sa nasabing araw ang Hopeful Stakes Race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race.

-Marlon Bernardino-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …