Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gelli De Belen Ariel Rivera biko

Biko business nina Gelli at Ariel big hit sa Canada

MATABIL
ni John Fontanilla

NAPAKABONGGA ng negosyo ng mag-asawang Gelli De Belen at Ariel Rivera sa Canada at ito ay ang kanilang Biko na sobrang mabenta at hit na hit doon.

Kuwento ng talent manager/host na si Lolit Solis na sariling ingredients nina Gelli at Ariel ang kanilang espesyal na biko. Ang mag-asawa ang nagluluto at nagri-ready ng mga order.

Dagdag pa ni  Manay Lolit, “For sure masarap iyon dahil talagang hinahanap ng mga buyer nila, at sosyal ha, sa Canada lang available, hindi puwede bilhin sa ‘Pinas.

“Bongga ! May Canadian visa ang biko ni Ariel at Gelli. ‘Pag wala kang visa, wala kang biko.”

Pagbabahagi pa ni Manay Lolit na bata pa si Gelli ay mahilig nang magnegosyo. “Kahit noong bata pa siya at kasa-kasama ni Janice de Belen sa shooting, ugali niya ang nagtitinda ng kung ano-ano.


“Lalo na ‘pag galing siya sa abroad, bibili siya roon ng mga bagay na alam niya na madali niya mabenta rito.”

Sa sobrang sarap nga ng biko nina Gelli at Ariel ay lagi itong sold out at kailangan mong  mag-advance order para matikman ang kanilang espesyal na biko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …