UMABOT sa mahigit 200 kabataan ang nakiisa sa operation tuli na isinasagawa ng Las Piñas City Health Office sa Mayor Nene Aguilar DRRMO Multi-purpose Building, sa Barangay Talon Dos sa lungsod.
Ang nasabing programa ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ay isa lamang sa mga serbisyong pangkalusugan na ipinatutupad sa mga mamamayan ng lungsod.
Sa tulong ng Barangay Health Centers nakapanghikayat sila ng mga kabataan na sumailalim sa libreng serbisyong ng pamahalaang lokal.
Personal na binisita ni Vice Mayor April Aguilar ang tinatayang 250 kabataan na nakiisa at sumaialim sa libreng tuli.
Ang mga pasyente ay dumaan muna sa antigen test upang masiguro na walang dalang virus ng CoVid-19.
Ipinaliwanag ng mga doktor ang kahalagahan sa kalusugan ng mga kalalakihan na makatutulong rin sa pagkakaroon ng proper hygiene. (GINA GARCIA)