HATAWAN
ni Ed de Leon
NAG-RESIGN na rin pala si Vivian Velez bilang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP). Ayon sa batas simula pa noong una, iyang FAP ay isang tripartite body na nilikha para sa industriya, kaya nga nariyan ang mga producer na siyang namumuhunan, ang mga manggagawa na may kanya-kanyang guild, at ang director-general na karaniwang inia-appoint din ng presidente ng Pilipinas bilang kinatawan ng gobyerno.
Pero hindi naisulong ng FAP ang problema ng mga manggagawa at maging ang puhunan. Mayroon pang nasa mandato nila na nakuha ng FDCP, lalo na noong nakaraang administrasyon. At least nag-resign na si Vivian, mas makakapag-desisyon ngayon nang tama ang gobyerno kung sino ang kakatawan sa kanila sa FAP.