I-FLEX
ni Jun Nardo
BINIYAYAAN ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang mga magsasaka sa Paete, Laguna ng grocery day sa malaking supermarket na ineendoso ng host-actor.
Sa video sa Instagram ni Matteo, isang malaking shopping cart ang pinaglagyan ng goods na nahakot ng bawat magsasaka kasama ang ilang anak.
Nasaksihan ng mag-asawa ang dedikasyon at paghihirap sa trabaho ng magsasasaka sa mga nag-shopping dahil sa kanilang pamilya.
Hinangaan ng netizens ang ginawang kabutihang ito nina Sarah at Matteo.