Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Javier

Sarah Javier excited makasama ang anak sa show 

MATABIL
ni John Fontanilla

MAY magandang balita sa kanyang mga tagahanga si Sarah Javier na kanyang i-pinost sa social media at ito ay ang nalalapit na release ng kanyang pinakabagong awitin, ang Happy Anniversary sa July 15.

Swak na swak ang awiting ito ni Sarah sa mga mag-asawa, magkasintahan na nagsi-celebrate ng kanilang anibersaryo lalo na’t maganda ang lyrics at melody nito.

Bukod sa bagong song ni Sarah, mapapanood din ito sa  show na KantaWanan sa Music Box sa July 31 ns makakasama sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang guwapo at talented na anak na si Jacob Flora.

Ka-join din sa show sina Boobsie Wonderland, JV Decena, Joaquin Garcia, Laverne Arceo, Joyce Pilarsky, Sofi Fermazi, Rhen Deleon and Kay Acosta . Hatid ng Sure Production at Wow It’s Showbiz nina Suzette Recto at Joey Austria co-Produced by Fernan Ms F De Guzman at Boy Romero , directed by Joey Austria for the benefit of Bahay Pag Asa.

Post nito sa kanyang FB, “His Time I’m With My Son  Jacob Flora, see you alll there.

Maki- chill, mag relax at mag watch na sa July 31, Sunday 7 PM @ The New Music Box. Timog avenue corner Quezon àve. Gawin natin positibo at magaan lang ang buhay… Makikanta at makitawa na. Siguradong sasaya ka pa. “

Nominado ang awitin ni Sarah, ang Ihip ng Hangin sa 13th Star Awards for Music sa kategoryang Inspirational Song of the Year na gaganapin sa Setyembre.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …