Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rob Guinto Brillante Mendoza

Rob Guinto, bilib sa husay ni Direk Brillante Mendoza

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng Vivamax sexy actress na si Rob Guinto na gusto rin niyang patunayang hindi lang pagpapa-sexy ang kaya niyang gawin bilang aktres.

Saad niya, “Sa totoo lang, ang wish ko talaga ay ang makilala ako hindi lang sa pagpapa-sexy sa pelikula, kundi sa aking angking talento mismo.”

Isa si Rob sa casts ng pelikulang Virgin Forest na palabas na ngayon sa Vivamax. Tinatampukan ito nina Sid Lucero, Vince Rillon, Angeli Khang, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Brillante Mendoza.

 Ayon sa aktres gumaganap siya rito bilang si Gina, isang babaeng mahiwaga sa gubat.

Gaano siya ka-sexy sa pelikula? “Fifth movie ko na ito, but second lead role. Masasabi kong iyong papel ko rito sa movie ay wild but still innocent,” nakangiting sambit niya.

Ano ang masasabi niya sa kanilang award-winning direktor dito at sa co-star niya?

“Ang masasabi ko po kay Direk Brillante, sobrang sarap katrabaho ni Direk at marami kang matutunan talaga sa kanya.

“Pagdating naman kay Vince, sobra siyang maalaga talaga sa co-artist niya,” lahad pa ni Rob.

Bakit dapat panoorin itong kanilang movie?

Esplika ni Rob, “Dahil marami kayong matututunan dito sa pelikula namin and it’s an eye opener as well. Ito ay about sa human trafficking and destruction of our natural resources.

“Masasabi kong itong Virgin Forest ang pinaka-challenging na movie na nagawa ko, so far.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …