Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa pagwawagi ng anak na si Arjo Atayde bilang Congressman ng District 1 ng Quezon City.

Post ng mahusay na aktres, “Ang saya saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak nya sa larangang gusto nya,Isa ako sa pinaka masayang Ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City.

“At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno, walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka,

“Iba ka manindigan anak! Habang pinapanood kita, tinatawanan ko nalang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo.

Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras  na yon,pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.

“Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal,Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo. Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno, Kaka proud!!!! Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde LORD, pakialalayan po anak ko ha. Nak pahabol sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha  ok ba yon My Congressman? Serve QCD1 Well anak  #thankuLORD.”

 (John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …