HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University nagtapos ng kursong Bachelor of Arts, Major in Political Science ang unang commander ng Presidential Security Group (PSG) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Si Col. Ramon Zagala ay pormal na itinalaga ni Pangulong Marcos, Jr., bilang PSG commander, kapalit ni B/Gen. Randolph Cabangbang, sa ginanap na turnover ceremony kahapon sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.
Sa kalatas ng PSG, nakasaad na si Zagala, 52 anyos, ay magsisilbi rin bilang Acting Senior Military Assistant to the President (SMA).
Nauna rito’y naging tagapagsalita siya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Executive Officer ng Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations, at naging aide-de-camp ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Nagtapos siya ng Master in National Security Administration at isang bemedaled seasoned combat officer. (ROSE NOVENARIO)