MATABIL
ni John Fontanilla
DINEPENSAHAN ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay
sa pag-awit nito ng Lupang Hinirang sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Tsika ng mahusay na host sa kanyang radio talk show na Cristy Ferminute, “Ang sabi wala raw sa tono, kesyo ‘yung kamay daw niya, ‘yung kanang kamay hindi raw niya inilagay sa kaliwang dibdib, kesyo nagmamadali raw.
“Ang tempo po ng ‘Lupang Hinirang’ ay pamartsa po talaga. Tama po ‘yung ginawa ni Toni Gonzaga at naabot po niya lahat ng tono, hindi po siya sumabit. Maayos po niyang nairaos ‘yung ‘Lupang Hinirang’.”
Dagdag pa nito, “Hindi po ganoon kadali na kumanta sa isang pambansang gawain na nakatutok ang buong mundo. Sabihin natin buong mundo dahil kahit sa ibang bansa, pinapanood ang inagurasyon, sa totoo lang.
“Wala tayong magagawa, siya po ang pinili ni Pangulong Bongbong Marcos.”
Pero kung mayroong mga lumait sa pag-awit ng Lupang Hinirang ni Toni ay may mga tao namang nagustuhan at pumuri sa pagkaka-awit ni Toni.