MATABIL
ni John Fontanilla
MULING tumanggap ng panibagong award ang mag-asawang Ma. Cecilia at Pedro Pete Bravo ng Intele Builders and Development Corporation sa kakatapos na 9th Social Media Awards na ginanap sa Grand Ballroom ng Okada Manila last June 30.
Ginawaran ang kanilang komoanya bilang 2022 Star Brand Innovative Telecommunications Company, samantalang ginawaran naman ng Most Empowered Woman in Business Managemenent and Entrepreneurship 2020 si Ma. Cecilia at Most Empowered Leader in Business Management and Entrepreneurship 2020 naman ang iginawad kay Pedro.
Kasama ng mag-asawang Pedro at Ma. Cecilia ang kanilang mga anak na sina Jeru, Maricris, Miguel, at Matthew nang tumanggap sila ng panibagong award ngayong taon.
Ilan sa mga personalidad na pinarangalan din sa Social Media Awards sina Joel Cruz , Hon. Vergel Meneses, Lance Raymundo atbp..