Sunday , December 22 2024
JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

Kahit lalaki dapat nag-aayos ng sarili — JC Santos

MATABIL
ni John Fontanilla

PORMAL nang ipinakilala  ng Beautederm ang mahusay na dramatic actor na si JC Santos bilang opisyal na ambassador ng BeauteHaus.

Itinayo ni Rhea Anicoche-Tan taong 2016, ang BeautéHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing na isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng clinic boasts ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kompleto rin ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

Sa nakalipas na anim na taon, libo-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedure nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga life-altering treatments.

Ngayon, ang center ay ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan na dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gaya na lamang ng fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio at Michelle Viray; ang top OB-gyne ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies na bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama rin ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na mga endorser naman ng Beautéderm.

Ipinanganak at lumaki si JC sa Pampanga at nagsimula ang karera sa teatro bago tuluyang sumikat bilang isa sa mga pinaka-inirerespetong character actor ng industriya at napanood sa mga top-rating na serye ng ABS-CBNgaya ng Till I Met You, Ikaw Lang Ang Iibigin  at FPJ’s Ang Probinsyano at sa mga pelikulang 100 Tula Para Kay Stella, The Day After Valentines, at Miracle In Cell No. 7.

Nagsimula si JC sumailalim sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl. Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman sumailalim siya sa Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculpting at slimming treatments.

Pati na rin sa Beautétox para sa kanyang wrinkles gayundin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata.

Ayon kay JC, “kahit kaming mga lalaki ay dapat um-effort para maging maayos ang aming itsura.”

Dagdag pa nito, “Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”

Si Rhea naman ay maligaya rin ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group Of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus.

BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited ako ngayong kasama na namin si JC lalo na at ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center na magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taong ito.”

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …