Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ima Castro Sephy Francisco Funpasaya sa Fiesta 2022

Ima at Sephy nagpatalbugan sa Funpasaya sa Fiesta 2022

MATABIL
ni John Fontanilla

DINUMOG ang mini-concert via Funpasaya sa Fiesta 2022 nina Ima Castro at Sephy Francisco sa Socorro, Surigao Del Norte kamakailan na ginanap sa Plaza Bucas Grande Island.

Nakasama nina Ima at Sephy sa mini-concert ang Club 690 performers na sina Cherry Pie, Aikee The Black Butterfly, at Fire Diva Daryl na talaga namang mabentang-mabenta sa mga taong naroroon.

Sobrang pinahanga nina Ima at Sephy ang mga nanood sa konsiyerto dahil talagang  nag patalbugan ang dalawa sa kani-kanilang production numbers na sinuklian ng malakas na palakpakan at hiyawan mula sa mga manonood.

At dahil first time nina Ima, Sephy at ng iba pa ang makapunta sa Surigao Del Norte,   inilibot ang mga ito sa ilang magagandang lugar, falls, at beaches doon na ikinamangha nila. 

Ang Funpasaya sa Fiesta 2022 ay hatid  ng Soccoro Tourism Office at Municipality of Socorro Surigao Del Norte at sa pakikipagtalungan ni Raoul Barbosa ng Wemsap na siyang script writer at direktor ng show kasama si Jeffrey Dizon, technical direktor. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …