Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jos Garcia Namimiss Ko Na

Pinay International singer Jos Garcia may bagong single

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGLABAS ng bagong single ang Pinay International singer na si Jos Garcia, ang Namimiss Ko Na na siya mismo ang nag-compose.

Excited na nga ang Pinay singer na nakabase sa Japan na marinig ng kanyang mga supporter sa Pilipinas at karatig-Asya ang kanyang bagong awitin, lalong-lalo na sa mga taong may mga nami-miss sa kanilang buhay.

Ayon sa tumatayong manager nito na si Atty. Patrick Famillaran, “Kahapon lang po niya ini-release ‘yung new song, bale own release po niya ito.

“Wala pong  recording label, pero nasa digital platforms na po ito, nasa Spotify, yYoutube, Apple music, Deezer, etc.”

Sinabi pa ni Atty. Patrick na posibleng umuwi ng bansa ngayong taon si Jos para i-promote ang kanyang kanta sa iba’t ibang radio programs, TV shows, at mall shows.

Ang awiting Namimiss Ko Na ay mixed and arranged by Sam Valdecantos at composed and produced by Jos Garcia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …