Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PCAP Chess
PCAP Chess

Tacloban, Pagadian tigbak sa  Laguna  sa PCAP online chess tourney

MANILA—Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nitong Sabado, Hunyo 25, 2022.

Giniba ng Laguna ang Tacloban, 15.5-5.5, at Pagadian, 18-3, tungo sa 14-7 karta.

“Team effort pulled us through these two matches,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.

Narehistro ng Laguna ang 3.5-3.5 draw sa Tacloban sa blitz game kung saan ang full points ay mula kina two-time Asian junior champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr (Board 1), import Woman International Master Ummi Fisabilillahh ng Indonesia (Board 3), Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo (Board 6) at draws kay Fide Master Jose Efren Bagamasbad (Board 4).

Winasiwas ng Laguna ang Tacloban sa rapid event, 12-2, kung saan  ang dalawang puntos ay  kinamada nina Barcenilla (Board 1), Richie Jocson (Board 2), Fisabilillahh (Board 3), Bagamasbad (Board 4), Lorenzo (Board 6) at Christian Nanola (Board 7).

Kontra sa Pagadian ay malakas na sinimulan ng Laguna ang kampanya sa pagtarak ng 6-1 win sa blitz game mula sa panalo nina Barcenilla (Board 1), Lorenzo (Board 2), Fisabilillahh (Board 3), Bagamasbad (Board 4), Nanola (Board 5) at Orozco (Board 7).

Sinundan ng Heroes ang 12-2 panalo kontra sa Pagadian sa rapid event sa two points nina Lorenzo (Board 2), Fisabilillahh (Board 3), Bagamasbad (Board 4), Nanola (Board 5), Jocson (Board 6) at Orozco (Board 7).

-Marlon Bernardino-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …