Friday , November 15 2024
MMDA enforcer bugbog kuyog

Kinuyog na MMDA enforcers naghain ng reklamo vs riders

NAGSAMPA ng kaso ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga nambugbog sa kanilang mga tauhan.

Kasong physical injury at direct assault to person in authority ang isinampang kaso kahapon sa Pasay City Prosecutor’s Office ng naturang ahensiya.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, ang anim na tauhan nilang nabugbog ay sina Jose Zabala, Adrian Nidua, Jericho Fabella, Mario Martin, Jimmy Valencia at Eddie Boy Garas, habang nagsasagawa ng clearing operations dahil ipinagbabawal ang e-trike sa kahabaan ng EDSA dahil nakasasagabal umano sa trapiko.

Dinala sa impounding area ang mga E-trike na ikinagalit ng mga may-ari nito kaya nagkainitan at nagkaroon ng komosyon.

Base sa viral video, makikitang pinag-tulungang bugbugin ang isa nilang tauhan na si Zabala, isang retiradong sundalo.

Sinabi ni Artes, limang tauhan nila ang nasaktan kasama ang team leader na si Zabala, pawang dumaraing ng sakit ng katawan matapos kuyugin ng mga motorista.

Sa kanilang salaysay, wala silang ginagawang masama at nagpapatupad lamang sila ng batas.

Sa ngayon, nakausap ng MMDA ang Pasay Police hinggil sa insidente at magsasagawa sila ng follow-up operations.

Aaraw-arawin umano nila ang kanilang operations sa Pasay at magsasama ng mga pulis upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …