PANSAMANTALANG ipinagbabawal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan sa EDSA Timmog service road g mga bikers at riders.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, para maiwasan maipit sa daloy ng mga sasakyan kaya pinaiwas niya ang mga biker at riders.
“Hindi na po natin pinapayagan ang mga bisikleta at motorsiklo sa service road dahil nga para maiwasan ang trapik habang kinukumpuni ang Kamuning flyover,” ani Artes.
Asahan din ang pagsisikip ng trapiko dahil 60 percent ng kalsada ang nawala sa pagsasara ng southbound lane ng EDSA Timo flyover.
“Dating 5 lanes, ngayon po ay magiging 2 lanes, sa ngayon po ay binibigyan natin ng priority ang bus sa carousel para hindi po maabala ang pag-ikot nila. Imagine 60 percent po ng kalsada ang nawala kaya asahan po talaga nating sisikip ang trapik,” paliwanag ni Artes.
Idinagdag ni MMDA Chairman, hangga’t maaari ay hinahati ng naturang ahensiya ang mga sasakyan para dumaan sa mga alternatibong ruta.
Inaayos na rin ang stop light para makasabay sa bilang ng mga sasakyan na daraan.
Pinaalalahanan ni Chairman Artes ang mga motorista na habaan ang pasensiya at huwag makipagsiksikan para makarating sa kanilnag destinasyon. (GINA GARCIA)