Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel magandang impluwensiya kay John Lloyd 

HATAWAN
ni Ed de Leon

USAP-USAPAN na noong mag-celebrate ng kanyang birthday si John Lloyd Cruz, hindi lamang ang kanyang anak na si Elias ang kasama niya kundi maging ang kanyang girlfriend na painter, si Isabel Santos. Si Isabel ay isang kilalang painter na marami na ring obra na nanalo ng awards at apo ng sikat na artist at cartoonist na si Malang Santos.

Noon pa naman nabalita na nagkakamabutihan sila, pero dahil sa kagustuhan nila na manatiling pribado ang kanilang buhay, walang nagsasalita tungkol sa relasyon. Ang sinasabi pa nga nilang maganda, mukhang nakasuporta rin si Isabel sa pagiging isang actor ni John Lloyd hindi gaya ng iba na pinaalis siya sa kanyang career.

Hindi mo rin naman maikakaila iyan, dahil tingnan ninyo, si Derek Ramsay na siya namang naging asawa ni Ellen Adarna, tinalikuran din ang kanyang career ngayon. Makikita mo ang pattern.

Sabi nga nila mukhang mabuting influence at masuwerte si Isabel kay John Lloyd dahil matapos na mawala ng apat na taon, nakabalik pa siya sa kanyang career at ngayon ay top rater ang kanyang sitcom. Siguro nga masasabing suwerte, dahil nakalipat siya sa GMA, na ang kalaban namang ABS-CBN ay wala ngang prangkisa. Kung si John Lloyd ay nanatili sa ABS-CBN, hindi rin ganyan ang mangyayari dahil tiyak na ang kanyang show ay mailalabas lamang sa mga blocktime na slot ng ABS-CBN. Buti kung maisama pa siya roon sa simultaneous na inilalabas sa TV5, eh kung sa ZOETv lang, walang mangyayari. Kaya nga ang nangyari ngayon sa career ni John Lloyd ay masasabi nating bunga ng mahusay na desisyon at suwerte na rin.

Maganda naman at nasa ayos ang samahan ngayon nina John Lloyd at Isabel, kailan nga ba nila aaminin nang seryoso ang kanilang relasyon?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …