Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Emma Cordero

Emma Cordero nasa puso ang pagkakawanggawa

PANATA na sa buhay ng singer-philanthropist na si Emma Cordero ang ibahagi sa kanyang mga kababayan sa Eastern Samar ang ano mang biyayang natatanggap niya mula sa Diyos. Si Emma (o Emcor sa marami) na binansagan ding Asia’s Princess of Songs ay siya ring founding chairman sa katatapos na 8th World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) sa Heritage Hotel, Pasay City.

Pagkatapos ng awards night ng WCEJA, lumipad patungong Quinapondan, Eastern Samar si Emma para makiisa sa kapistahan ng kanilang patron sa Bgy. Sta. Margarita na si Saint Anthony de Padua. Sa Sta. Margarita ipinanganak ang singer at kapatid niya na kasalukuyang chairman ng barangay, si Florentino”Florie” Macawile.

Nakagawian na ng pamilya ni Emma na ibukas ang kanilang pinto sa lahat ng mga kabarangay para sa isang masaya at masaganang kapistahan. Dinig namin ay anim na baboy ang kinatay para pagsaluhan ng mga bisitang dumating sa kanilang tahanan.

Sa gabi ng kapistahan, isa si Emma sa naging special feature sa sayawan ng bayan na tampok ang pamosong klase ng sayaw sa mga piyesta at kasal at iba pang

malalaking pagtitipon sa Visayas region, ang sayaw na Kuratsa.

Hindi tiyak kung saan nagsimula ang Kuratsa pero may laganap na paniniwalang hango ito sa isang Mexican dance na naglalarawan ng ligawan ng magsing-irog. 

Sinasabi ring bitbit ng mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas ang sayaw na Kuratsa. Nakaiindak ang tugtog at nakatutuwa ring pagmasdan na habang may sumasayaw, nakalatag ang isang table cloth sa dance floor na inihahagis ang pera sa magkatambal na sumasayaw. 

Marathon ang sayaw ni Emma at kanyang partner na si Quinapondan’s Vice Mayor Leo Jasper Candido. Kabilang sa mga sumayaw si Mayor Flora Cordero ng Mc Arthur, Eastern Samar at iba pang municipal officials, pati na ang mga panauhing balikbayan.

Lahat sila ay nagpaulan ng pera sa dance floor. 

Sina Emma at VM Leo ang pinakamaraming natanggap na pera. Ito ay ibibigay sa patron ng simbahan. Mapapanood ito sa Kadumagat vlog ng Chorz de la Cruz channel at ng Official Emma Cordero YouTube channel.

Noong June 20 naman, birthday ni Emcor, ibinuhos niya sa isang covered court ang mga regalo sa kanyang mga kababayang dumalo sa gift-giving at free concert.

Umulan ng cash at imported products na ibinagahe pa ni Emcor mula Japan. May mga t-shirt at calendar, pera, laruan, imported chocolates, pagkain, at mga gamit sa eskuwelahan.

Nakatanggap din ng dalawang pa-birthday surprise si Emcor mula sa kanyang pamilya na ikinaluha niya dahil naramdaman niya ang balik ng pagmamahal ng kanyang mga natulungan at minamahal na pamilya.

Bago bumalik ng Japan, pinuntahan ni Emcor ang mapagmilagrong simbahan sa Barangay Sulangan, Guiuan, Eastern Samar. 

Sa June 23, back to Fukuoka, Japan si Emcor para sa 9th World Class Excellence Japan Awards na gaganapin sa Fukuoka New Otani Hotel sa October 28 ng taong

ito. (Obette A. Serrano)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …