MATABIL
ni John Fontanilla
FEELING nasa cloud 9 ang Kapuso young actor na si John Gabriel nang tanggapin nito ang kanyang pangalawang award mula sa World Class Excellence Japan Awards 2022 bilang Outstanding Recording Artist and Movie Personality na ginanap sa Heritage Manila kamakailan.
Ani John na ang unang award na nakuha niya ay mula sa Mrs. Philippines Universe Most Exceptional Men and Women 2022, kaya naman happy ito nang masundan pa ng isa pa.
Napapanood ang binata sa kauna-unahan niyang proyekto sa GMA 7 na hit teleserye na First Lady.
Ani John kung mabibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng ka-loveteam, gusto niya sina Kyline Alcantara at Sophia Pablo na showbiz crush niya.
Pero okey din sa kanya kung sino ang ibibigay sa kanyang ka-loveteam ng GMA.
After ng First Lady, umaasang mabibigyan pa ng mas maraming proyekto si John mapa-teleserye man o guestings sa iba`t ibang shows ng Kapuso Network.