Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo High On Sex

Lance Raymundo, napaso ang manoy sa seryeng High On Sex

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA si Lance Raymundo sa casts ng High On Sex na napapanod na ngayon sa Vivamax. Ayon sa actor, may kaabang-abang na eksena siya rito, although bitin pa ang kuwento niya dahil hindi pa raw ito puwedeng banggitin.

Lahad ni Lance, “For this series, ako si Coach Tanyag, para siyang isang sigang coach. Pero may dark secrets din siya, na unti-unting mare-reveal doon sa series as it goes along.”

Pagpapatuloy na kuwento pa niya, “Actually, hindi ako super-daring pero masasabi kong may mga ginawa ako rito na first time kong ginawa on screen… hindi pa kasi puwedeng sabihin, pero abangan nila.

“Hindi siya exactly love scene, pero may mga sexual scenes siya which involves some of the the main character din ng series.”

Ang High On Sex ay isang sexy comedy series na napapanood na ngayon sa Vivamax. Ito’y mula sa direksiyon ni GB Sampedro at tinatampukan nina Wilbert Ross, Migs Almendras, Denise Esteban, Angela Morena, at Kat Dovey.

Nagkuwento pa si Lance sa isang kaabang-abang na eksena niya sa nasabing Vivamax series.

Aniya, “Basta ang masasabi ko lang, ang pinaka-daring na nagawa ko rito siguro, without involving another character, first time kong nagkaroon ng masturbation scene on camera, habang nanonood ng porn. Hahahaha!”

“Iyong nakakatawang nanagyari roon sa (masturbation) scene, una kasi sa labas lang ng pants ko, ginagalaw ko yung kamay ko, pero nakikita pala sa camera na lumalabas iyong kamay ko, kaya sabi nila ay ipasok ko raw sa pants ko ang kamay ko.

“Pero wala naman silang oil, yung alcogel ang ginamit ko na kunwari ay oil… So iyon, hahahaha! Nasaktan ako, napaso ako bale, napaso iyong ano ko, hahaha!  Nasaktan ako, kasi nga dapat na sa labas lang ng pants ko yung kamay ko, pero ipinasok ko sa loob ng pants ko. Pero naging funny naman tuloy yung eksena, kaya isinama na nila sa take, okay naman lumabas.

“Actually, they are very happy with it, tapos noong pinanood ko rin sa monitor, wala…  pogi pa rin naman ako, hahaha! So, hindi naman nakakahiya,” nakatawang saad pa ni Lance.

Ang High On Sex ay tungkol sa limang senior high students ng Harmon Catholic University, habang nag-aaral ang mga estudyante, subaybayan kung ano ang iba pa nilang matutunan tungkol sa sex, sa kanilang pagkatao, pamilya, at pag-ibig.

Silang lima ay sasamahan pa ng iba’t ibang makukulay na karakter na siguradong magpapa-wild sa kanilang Senior High life tulad nina Marco Gomez, Rob Guinto, Mark Carpio, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista, at iba pa. Para mapanood ang “High (School) on Sex”, mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …